^

PSN Palaro

Toyota Otis babangon vs Harbour Centre

-
Sa pagpasok ng PBL Unity Cup sa krusiyal na yugto, ay panahon na-man para sa Toyota Otis-Letran upang makabangon mula sa tatlong sunod na pagkatalo, sa darating na laban nila sa Pasig Sports Center kontra sa Harbour Centre.

Inaasahang magiging mahigpit ang labanang ito, ngayong alas-4 ng hapon, lalo pa at ang dalawang koponan ay nagnanais na patatagin ang kampanya para sa awtomatikong semis berths.

Maghaharap ang nais na maghiganting Mag-nolia Dairy Ice Cream, na galing sa dalawang sunod na pagkatalo, ang inaalat na Negros Navigation-San Beda.

Susubukan ng Wizards ang galing ng bago nilang Fil-foreign player na si Kelly Williams, sa pag-asang hindi sila aalatin sa season-ending ng torneo. Ang 6-foot-5 na si Williams ang humalili kay Ramsey Williams na hindi naging epektibo para sa team ng Wizards.

Hindi man dapat katakutan si Williams sa outside shooting, ngunit dapat abangan ang athleticism nito, kaya’t maa-ring ituring na asset ang manlalarong ito.

Mayroon ding bagong manlalarong ibabandera ang minamalas na koponan ng Red Lions, sa darating nilang laban kontra sa Wizards, ito ay si Jeff Bombeo.

Nasa Harbour ngayon ang pangalawang trono na may 6-2 win-loss cards, ito ay dahil sa pagkatalo ng Welcoat kontra sa Granny Goose Kornets noong nakarang araw.

Samantala ang Montaña Pawnshop ay nanataling hari ng torneo na may 8-1 at ang Welcoat naman ay bumaba sa ikatlong puwesto na may 6-3 record.

Ang Knights ay nanalo ng tatlong sunod kaya’t sila ay nasa 5-3 na katayuan sa torneo, kasama sa panalong ito ay ang 80-66 kontra sa Paint Masters noong Sabado. (Ulat ni Raquel Reyes)

vuukle comment

ANG KNIGHTS

DAIRY ICE CREAM

GRANNY GOOSE KORNETS

HARBOUR CENTRE

JEFF BOMBEO

KELLY WILLIAMS

NASA HARBOUR

NEGROS NAVIGATION-SAN BEDA

PAINT MASTERS

PASIG SPORTS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with