National Youth and Women's Boxing Championship sa Puerto Princesa

Magiging abala na naman ngayon ang Puerto Princesa sa pagho-host nila ng National Youth and Women’s Amateur Boxing Championships.

Sa patuloy na pagpa-palawig ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa pagkilala at pagbibigay ng exposures sa mga future members ng national training pool ang isa sa layunin ng pagtatanghal ng National Youth and Women’s Amateur Boxing Championships.

Ang taunang event, na magsisilbi ding recruitment process para sa mga bagong talento ng ABAP ay nakatakda sa May 14-22 na may apat na kompetisyon sa apat na youth categories-- Kids (11 weight divisions), School Boys (16), Cadet (13), and Junior (12) - at ang 13 weight class sa Female category para sa mga boksingerong lag-pas 17 taong gulang pero hindi bababa sa 34 anyos.

Sinabi ni Manny Lopez, ABAP president, na maaga pa noong Peb-rero ng taong kasaluku-yan, nagpapadala na ng imbitasyon ang opsisina ni Mayor Edward Hagedorn sa iba’t ibang boxing clubs sa bansa na lumahok sa torneong magbibigay ng gold-silver at bronze medals sa mga individual winners at tropeo sa team champion ma-ging sa second hanggang fourth placers at tropeo para sa Best Boxer, Best Referee at Best Judge kabilang na ang pagkakasama sa listahan ng elite Philippine Boxing Team.

Patuloy na tumatanggap ng mga entries sa ABAP office sa Administration building ng Rizal Memorial Sports Complex na may telepono 522-3437 at sa Puerto Princesa Secretariat na pinamu-munuan ni City Councilor Roger Castro na may telepono bilang (048) 434-7086 at 3828 at cell 0918-8684377.

Show comments