Team B isusuot ang kulay ng Purefoods Supremo

Nakatakdang humarap sa bisitang Australian team sa susunod na linggo ang Team B Philippine basketball team na suma-sa ilalim sa pagsasanay ni Coach Chot Reyes at lalaro bilang Purefoods Supremo upang bigyan diin ang pagtaguyod ng San Miguel Corporation sa kampanya ng bansa na maibalik ang matagal nang nawalang supre-midad sa Asian basketball.

Ang Purefoods Supremo, ang 100% na natural na cane vinegar ay ang unang mahusay at pangkalusugan at pampalasang produkto ng SMC. Ang isa pang team--ang Team A ay suot naman ang kulay ng San Mig Coffee. Si Ramon S. Ang, pangulo at Chief Operating Officer ng SMC ang team manager ng Philippine team.

Sa Mayo 9 at 10 kikilatasin ang 20-man national pool kontra sa reigning Australian National Bas-ketball League champion Trendwest Sydney Kings sa dalawang tune-up games.

Show comments