Hiniya ng Tigers ang seven-footer na si import Lorenzo Coleman sa kanyang debut game para sa TJ Hotdogs matapos itala ang kanilang ikalimang panalo matapos ang 12 laro.
Nakahabol ang Coke sa Ginebra, Sta. Lucia at ang kanilang biktimang TJ Hotdogs na kasama nila ngayon sa 5-7 kartada.
Pumukol si Johnny Abarrientos ng krusyal na tres matapos makalapit ang Purefoods sa apat na puntos upang ilagay ang Coke sa mas komportableng 91-84 kalamangan, 22 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Pinangunahan nina import Mark Sanford, John Arigo at Ali Peek ang Coke sa kanilang 21, 20 at 19 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Tigers habang ang bagong import ng TJ Hotdogs ay tumapos lamang ng 14-puntos, siyam na rebounds at limang-blocks.
Samantala, tangka ng Alaska ang ikawalong sunod na panalo upang manatili sa pangkalahatang pamumuno sa pakikipagharap sa San Miguel Beer na nais namang mabawi ang liderato.
Ito ang tema ng pagsasagupa ngayon ng Aces at SMBeer sa alas-7:35 ng gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Sa unang laro, alas-4:45 ng hapon, hangad naman masundan ng FedEx ang malaking panalo laban sa Red Bull, 116-106 kung saan nagtala ng record tying na walong sunod na triple si Renren Ritualo, sa pakikipagharap sa Sta. Lucia (5-7). (Ulat ni CVOchoa)