UAE bagsak sa Pinas
May 4, 2005 | 12:00am
Hindi hinayaan ng Pilipinas na makalusot sa kanilang kampanya ang kalaban na United Arab Emirates matapos nitong pataubin ang huli sa isang kumbinsidong 3-0, kaha-pon sa quarterfinals round ng Junior Davis Cup Asia-Oceania qualifying zone na ginanap sa Manila Polo Club covered court.
Pinangunahan ni Ralph Kevin Barte ang Pinoy netters matapos nitong hiyain ang pam-bato ng UAE na si Faisal Bastaki, 6-2, 6-0, sa unang singles event.
Kasunod naman na nagbigay ng karangalan si Kyle Joshua Dandan para sa Pilipinas sa kan-yang matagumpay na paghataw kontra kay Hamad Ismail, 6-1, 6-2, sa ikalawang singles event.
Maliban dito ay nagsa-nib puwersa ang lakas nina Barte at Dandan upang igupo ang duo nina Khaled Al Hassani at Ismail, 6-1, 6-1 at tapusin ang nasabing tagumpay.
Dahil dito, ikalawang panalo agad ang naitala ng Pilipinas sa nasabing torneo kung saan kakalabanin naman nila ang India ganap na alas- 10 ng umaga ngayon, para ma-kaakyat sa single round-robin quarterfinals sa nasabing palaro.
Sa iba pang resulta, nakakuha naman ng unang panalo ang top seed na Australia mata-pos na biguin ang Uzbekistan, 3-0, sa Group 1, ito ay sa pamamagitan ni world No. 88 Patrick Nicholls na humarap kay Djanibek Orazaliev, 6-3, 6-2; kasunod nito si Joel Linder na nagpataob kay Viktor Kim, 6-2, 6-0; at ang doubles team nina Ste-phen Donald at Nicholls na siyang dumurog kina Sergey Dulin at Orazaliev, 6-2, 6-1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended