Kaso vs Muhammad isinampa na ni Pacquiao

CEBU CITY – Ilang sandali bago siya bumalik sa General Santos City noong Huwebes ng umaga matapos dumalo sa championship fight na idinaos may 12-oras pa lamang ang nakakalipas, kinumpirma ni Manny Pacquiao ang ulat na lumabas sa Amerika na tuluyan na niyang isinampa ang kaso laban sa kanyang US promoter na si Murad Muhammad.

Ang naturang kaso ay isinampa noong Abril 27 sa New York City ni Judd Burstein, isang topnotch boxing lawyer na siyang hahawak sa kaso laban sa New Jersey-based na si Muhammad.

Tumanggi ang 26-anyos na si Pacquiao na magbigay ng anumang pahayag hinggil sa nasabing demanda dahil na rin sa payo ng kanyang abogado sa Amerika.

Show comments