Castro nakasiguro ng bronze
April 28, 2005 | 12:00am
Nagpakawala si light flyweight Godfrey Castro ng solidong kanan upang igupo ang kanyang Turkis rival at makapasok sa medal bouts ng Ahmet Comert International Boxing Championships sa Istanbul, Turkey.
Binugbog ng 20-anyos na si Castro ang kalabang si Samil ng Turkey sa bisa ng mahusay na kumbinasyon mula sa simula ng kani-lang light flyweight quarterfinals bout at iposte ang 17-9 panalo sa isang lopsided bout at ibigay sa Team Philippines ang awtomatikong bronze medal.
Sasabak sa ibabaw ng lona ang 20-anyos na si Castro sa semifinals sa Martes kung saan haha-rapin niya ang fighter mula sa Kazakhstan.
Ang panalo ay nagbigay rin sa Philippines ng dalawang tsansa para sa medalya nang nauna ng umusad si light welterweight Mark Jason Melligen sa quarterfinals sa bisa ng 22-10 panalo laban kay Hammed ng Israel sa world-ranking event na nilahukan ng 181 mens boxers at 127 women puglists mula sa 23 bansa.
Aasinta si Melligen ng semis berth at awtomatikong bronze medal sa pagsabak nito sa Turkis na si Sipal sa quarterfi-nals.
Apat na iba pang Team Philippines members--sina bantamweight Joan Tipon, lightweight Genebert Basadre, flyweight Warlito Parrenas at welterweight Reynaldo Galido ang napatalsik na sa kontensiyon matapos na matalo sa host team na nagpadala ng limang koponan.
Ang paglahok ng koponan sa tournament na ito ay ginastusan ng Ginebra San Miguel, First Gentleman Foundation at Pacific Heights. Ito ay bahagi ng elimination ng Amateur Boxing Association of the Philippines para sa pagbuo ng RP team na isasabak sa Manila Southeast Asian Games sa Nobyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended