Melligen huling alas ng Pinas
April 27, 2005 | 12:00am
Itinala ni Mark Jason Melligen ang pinaka-importanteng panalo upang mapanatiling buhay ang tsansa ng Team Philippines sa paghuhukay ng gintong medalya sa Ahmet Comert International Boxing Championships sa Istanbul, Turkey.
Sa isang long distance call na pagbalita kay ABAP president Manny Lopez, pinaglaruan ni Melligen ang World Cup quarterfinalist na si Hammed ng Israel tungo sa 22-10 panalo at makasulong sa quarterfinals ng light welter-weight division ng world-ranking tournament na ito na humatak ng 181 men boxers at 127 women puglists mula sa 23 bansa.
Aakyat si Melligen sa lona para sa semifinals berth at awtomatikong bronze medal sa kanyang pakikipagharap kay Sipak ng Turkey sa quar-terfinals.
Ang panalo ni Melligen ay bahagya ring tumabon sa kabiguan nina bantamweight Joan Tipon at lighweight Genebert Basadre.
Lumasap ng nakapang-hihinang 12-11 desisyon si Tipon laban kay Ozgar ng Turkey habang yumuko naman si Basadre kay Malat ng Hungary 19-22.
Ang kabiguan nina Tipon at Basadre ay naglagay sa kanila sa sideline kasama si Olympian Reynaldo Galido at flyweight Warlito Parrenas para panoorin at suportahan ang kababayang naiwan na si Melligen.
Ang partisipasyon ng kopona sa event na ito na ay naging posible sa tulong ng Ginebra San Miguel, First Gentleman Foundation at Pacific Heights at bahagi ng elimination para sa pagbuo ng Amateur Boxing Association of the Philippines sa National team na lalahok sa Manila Southeast Asian Games sa Nobyembre ngayong taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended