Baylon wala pa ring kupas
April 25, 2005 | 12:00am
CEBU CITY--Magaang na dinispatsa ng six-time Southeast Asian Games champion na si John Baylon ang kanyang kalaban para angkinin ang gintong medal-ya at walisin ng National team ang National Individual Judo Championships mata-pos ang dalawang araw ng aksiyon sa University of San Carlos gym dito.
Dala ang pangalan ng Zamboanga City, tinalo ng 39-anyos na mat veteran ang teammate na si Lloyd Catipon upang mapagwa-gian ang 81-kilogram class ng tournament na ito na co-organized ng Philippine Amateur Judo Association at ng Cebu SEA Games Organizing Committee (CebuSoc).
Samantala, nakatang-gap naman ng mahigpit na hamon ang Vietnam SEA Games bronze medalist na si Sidney Schwarskopf na nakaligtas sa matikas na dating RP team member na si Roland Dino para sa mahigpitang desisyon sa kanilang 100-kg final.
Hindi rin napigil ang iba pang miyembro ng Nationals sa event na ito na suportado rin ng Philippine Sports Commission, Cebu City Sports Commission, Cebu Provincial Government, San Miguel Corporation-Star Margarine, Geo Infinity International, Waterfront Cebu City Hotel, University of San Carlos, Hotel Sogo at Regal Pension House.
Tinalo ni Rick Jayson Senales si Louie Abucayan para sa karangalan sa 90-kg class; nakalusot si Helen Dawa kay Jane Capawa sa 45kg.; nasilat ni Nancy Quillotes si Jennelyn Abaya sa 48kgs.; hiniya ni Elmarie Malasan si Karen Astudillo sa 52kgs. at nanaig si Rezil Rosalejos kay Shiela Marie Villanueva sa 57kgs.
Humatak naman ng ma-laking sorpresa si Lovely Abucayan ng kanyang ma-upset sa pamamagitan ng brown belt si Erika Joy Pon-ciano na kasalukuyang nag-eensayo sa RP team upang agawin ang ginto sa 78kgs.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended