^

PSN Palaro

National judokas bumandera sa Philippine National Individual Judo Championship

-
CEBU CITY--Binanderahan ng mga miyembro ng national team, dinomina ng Zamboanga ang opening day ng Philippine National Individual Judo Championships matapos na manalo ng tatlo mula sa walong gintong medalya na pinaglabanan noong Biyernes ng gabi sa University of San Carlos Gymnasium dito.

Umibabaw sina National players Franco Teves, Daniel Pedro at Aristotle Lucero sa kani-kanilang weight categories upang ibigay sa Zamboanga ang ginto na nanalo rin ng dalawang silvers at limang bronzes sa panimula ng tatlong araw na tournament na magsisilbing qualifying event para sa nalalpit na Southeast Asian Games.

Ginapi ni Teves, bronze me-dalist sa 2003 Vietnam SEA Games ang kapwa niya national na si Oliver Franco sa final ng men’s 55kg-below category.

Namayani naman si Pedro, Vietnam SEAG bronze winner, kay Jones Lanuza sa men’s 60kg class. Sina Dempsey Depayso at Ricky Palancos ang nag-bronze.

Ang ikatlong gold ng Zam-boanga ay mula sa men’s 66kgs class na ibinigay ni Lucero, Viet-nam SEAG silver medalist at ang mga bronzes ay napunta kina Samson Bernales ng Dela Salle University at Randy Gambong ng Davao.

Ang iba pang RP team mem-bers na nakakuha ng ginto ay sina Gilbert Ramirez na nanguna sa men’s 73kg class; Esli Gay Liwanen, na nagdomina sa wo-men’s 63kg; Solomon, na nagwagi naman sa women’s 70kg at Ruth Dugaduga (women’s 78kgs).

Isinubi naman ni Alien Relampagos ang gold sa men’s 100kg-and-above category.

ALIEN RELAMPAGOS

ARISTOTLE LUCERO

DANIEL PEDRO

DELA SALLE UNIVERSITY

ESLI GAY LIWANEN

FRANCO TEVES

GILBERT RAMIREZ

JONES LANUZA

OLIVER FRANCO

PHILIPPINE NATIONAL INDIVIDUAL JUDO CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with