^

PSN Palaro

4th Manila Youth Games: Dr. Albert ES humakot ng 3 ginto sa athletics

-
Sa kampanya ng Dr. Albert Elementary School na idepensa ang kanilang titulo sa athletics competition ng 4th Manila Youth Games na ginaganap sa Rizal Memorial Track Oval, tatlong gintong medalya na ang kanilang naisusubi patungo sa huling araw ng kompetisyon.

Inihatid nina Kevin Carl Lazo, Darryl Ceballos at Vanessa Faye Acban ang tatlong ginto para sa Dr. Albert na nag-subi ng 21-gold medals noong nakaraang taon sa athletics.

Idinepensa ni Lazo ang kanyang titulo sa boy’s 12-under 1,500-meter run habang nanguna naman sina Ceballos sa boy’s 13-15 long jump at Acban sa girls‚ 12-under 1,500m run.

Sa medal tally na inilabas kagabi, nangunguna ang Pandacan sa kani-lang 28-golds, 17-silver at 19-bronze sa tulong ng Manila Seahawks Swimming Team na nagsubi ng 27-golds kamakalawa.

Gayunpaman ay hindi pa isinasama dito ang ibang resulta ng mga natapos nang events ng athletics na magtatapos ngayon.

Pumapangalawa ang Abad Santos na may 21-16-18 gold-silver-bronze, 16 nito ay galing sa Jose Abad Santos High School-Binondo na hu-mataw sa gymnastics.

Dinomina naman ng Padre Gomez Elemen-tary School ang table tennis competition ng palarong ito na suportado ng Red Bull, San Miguel Corporation, Solar Sports, Supper Ferry, Milo, Intra-Sports, Concept Movers, PSC, PAGCOR at Air21, sa pagsubi ng pito sa 10-golds na pinaglabanan.

Humakot naman ang District 6 ng anim na ginto sa badminton at tatlong gold naman sa District 4.

ABAD SANTOS

CONCEPT MOVERS

DARRYL CEBALLOS

DR. ALBERT

DR. ALBERT ELEMENTARY SCHOOL

JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL-BINONDO

KEVIN CARL LAZO

MANILA SEAHAWKS SWIMMING TEAM

MANILA YOUTH GAMES

PADRE GOMEZ ELEMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with