Nais ni Yturri na mag-karoon ng disenteng pagtatapos di tulad ng kanilang huling panalo laban sa Toyota Otis-Letran, 75-73 mula sa kabayanihan ni Mark Cardona.
"I want them to close out the games properly not like in our last two games, parehong cardic finish talaga," sabi ni Yturri. "But I hope well do better next time."
Hangad ni Yturri na makita ngayon ang gusto niyang pagbabago sa pakikipagharap ng Port Masters sa Negros Navigation-San Beda sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2005 PBL Unity Cup sa FEU Gym.
Alas-2:00 ng hapon ang sagupaan ng Harbour Centre at Nenaco-SBC na susundan ng sagupaan ng Magnolia Ice Cream at Granny Goose sa dakong alas-4:00 ng hapon.
Taglay ng Port Masters ang 2-1 win-loss slate sa likod ng Welcoat at Montaña Pawnshop na magkasalo sa liderato sa taglay na 3-0 kartada habang ang Negros Navigation ay wala pang panalo sa tatlong laro.
Maghihiwalay naman ng landas ngayon ang Magnolia Wizards at Granny Goose Kornets na tabla sa 1-2 karta kasama ang walang la-rong Toyota-Otis Letran.
Inaasahang maka-katulong ni Cardona sa tangkang ikatlong sunod na panalo ng Harbour Centre sina L.A. Tenorio at Gabby Espinas, ang NCAA Rookie of theYear at MVP winner. (Ulat ni CVO)