Dioseldo Sy, King of Cosmetics na
April 15, 2005 | 12:00am
Si Dioceldo Sy ay kilalang kilala sa mundo ng basketball.
Siya ang may hawak sa dating dalawang powerhouse team sa PBL--ang Shark Energy Drinks at Blu Detergent.
Napakaraming mga basketball stars ngayon na nasa PBA ang nanggaling at natuto sa dalawang teams na yan.
Si Asi Taulava ay nag-umpisang sumikat sa Blu at hinding-hindi malilimutan ni Asi. Inalagaan siya ng husto ni Dioceldo at ginastusan noon and in due time, he was amateur basketballs hottest property.
Marami pang ibang pro players na nasa PBA ngayon ang tumatanaw ng utang na loob sa magandang pangangalaga na nagawa sa kanila ng Blu at Shark noon.
In due time, si Dioceldo ay naging chairman na rin ng PBL.
Ibinoto siya ng mga kapwa niya board members sa PBL and under his leadership, sari-saring mga pakulo at aktibidades ang nangyari sa PBL.
Ibinuhos niya ang halos lahat ng oras niya sa basketball at sa PBL and for a while, sabi nga ng iba, nakalimutan na niya ang oras niya para sa mga negosyo niya.
Kaya nga, marami ang nagulat kung bakit all of a sudden, kama-kailan lang at bumitaw sa basketball si Dioceldo.
Na-disband ang dalawa niyang teams at naging senyales ito ng leave of absence niya sa PBL. Hindi na siya nagbuo ng team.
Masakit pero kailangan niyang tanggapin dahil ang mala-higante niyang negosyo ay kailangan na niyang bantayan.
"I had to make a choice. Masyadong malaking oras ang igugol mo sa paghawak ng dalawang basketball teams at sa pagiging chairman pa ng liga dahil you have to attend to several functions and activities. Eh kailangan ko na rin namang ibalik yung focus ko sa negosyo kasi nga, mahirap ang panahon ngayon. Mahirap ang negosyo, kailangan na talaga ng personal touch," sabi niya. "Mahirap na baka mawala itong negosyo namin na maraming taon na ang naipundar."
Si Dioceldo ngayon ay naka-focus sa mas malaki niyang negosyo--ang cosmetics. Ang Ever Bilena at ang Careline Cosmetics.
Matagal na sa market ang Ever Bilena at yan ang numero uno sa field niya. Kamakailan lang, pinapirma niya si Geneva Cruz bilang latest endorser ng Ever Bilena.
Samantala, namamayagpag naman among the teens ang Careline Cosmetics na ang latest endorser naman ay si Toni Gonzaga. Dahil napakamura nitong Careline, hit na hit among teenage and early teens na babae.
Mukhang na-perfect na ni Dioceldo ang paghawak at pag-market ng cosmetics kahit na isa siyang certified macho.
Siya na ngayon ang tinaguriang King of Cosmetics sa industriya nila dahil sa kanyang husay sa paghawak ng ganitong mga produkto.
Goodbye basketball na nga ba si Dioceldo?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended