^

PSN Palaro

Cardona,binitbit ang Portmasters

-
Muling binuhat ni Mark Cardona ang Harbour Center sa tagumpay nang pumukol ito ng game-winning triple upang itakas ng Port Masters ang 75-73 panalo sa unang laro.

Binura ng Harbour Center ang isang puntos na bentahe ng Letran Knights nang tanggapin nito ang pasa mula kay L.A. Tenorio at pakawalan ni Cardona ang tres bago tumunog ang final buzzer tungo sa kanilang ikala-wang panalo matapos ang tatlong laro.

Tumapos si Cardona ng 21-puntos at anim na rebounds na sinupor-tahan ni Jenkins Mesina ng 13 puntos upang ipala-sap sa Toyota-Letran ang ikalawang talo sa tatlong laro.

Samantala, higit na pinatatag ng PBL Open Championship titlists Montana Pawnshop ang kanilang kapit sa pangkalahatang pamumuno nang kanilang igupo ang Magnolia Ice Cream 64-55.

Nanatiling malinis ang katayuan ng Jewels ma-tapos itala ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa gayong ding dami ng laro upang maging mata-tag sa liderato.

Umabante ng 17-puntos ang Jewels, 57-40, mahigit dalawang minuto na lamang ang nalalabing oras ng labanan upang maagang iparamdam sa Magnolia Wizards ang ikalawang kabiguan sa dalawang laro. (CVOchoa)

vuukle comment

BINURA

HARBOUR CENTER

JENKINS MESINA

LETRAN KNIGHTS

MAGNOLIA ICE CREAM

MAGNOLIA WIZARDS

MARK CARDONA

MONTANA PAWNSHOP

OPEN CHAMPIONSHIP

PORT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with