^

PSN Palaro

Alaska nalusutan ang FedEx

-
Naging masikip ang daan ng Alaska tungo sa kanilang tagumpay ngunit nakahanap ng butas sina Reynell Hugnatan at Jeffrey Cariaso upang ihatid ang Aces sa 87-83 panalo laban sa FedEx sa pag-usad ng PBA Gran Matador Fiesta Confe-rence eliminations sa Araneta Coliseum kagabi.

Kinana nina Hugnatan at Cariaso ang apat na krusyal na puntos sa hu-ling maiinit na segundo ng laban tungo sa ikalawang sunod na panalo ng Alaska upang makaahon sa 3-4 win-loss slate.

Binasag ni Reynell Hugnatan ang 83-pagta-tabla ng iskor sa pama-magitan ng kanyang lay-up, 1:04 minuto pa ang nalalabing oras sa laro.

Nasayang ang sumu-nod na posesyon ng Express nang minadaling itinira ni Ritualo ang tres sanhi ng turn-over.

Umabante sa mas komportableng kalama-ngan ang Alaska nang ipasok ni Cariaso ang dalawang freethrows mula sa foul ni Ritualo, 11.2 segundo na lamang.

Wala nang nagawa ang Express kundi lunu-kin ang kanilang ikaapat na kabiguan sa pitong pakikipaglaban.

"They (FedEx) are really playing good bas-ketball right now. We struggled all the way," pahayag ni Alaska coach Tim Cone. "They also did a good job on Dicky (Simpkins) denying him easy shots."

Gayunpaman, naka-pagsumite pa rin si Simpkins ng disenteng 17-puntos at 23 re-bounds. Tumapos din si Cariaso ng 17 puntos kasunod ni Mike Cortez na may 15 habang nag-sumite naman si Hugna-tan ng limang puntos ngunit napakahalaga ng dalawang baskets nito sa fourth quarter.

Habang sinusulat ito, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel at Gi-nebra kung saan itinaya ng Beermen ang kanilang nangungunang 5-2 re-cord laban sa 4-2 ng Gin Kings. (CVOchoa)

ARANETA COLISEUM

CARIASO

GIN KINGS

GRAN MATADOR FIESTA CONFE

JEFFREY CARIASO

MIKE CORTEZ

REYNELL HUGNATAN

RITUALO

SAN MIGUEL

SIMPKINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with