NENACO-SBC di nakaporma sa Magnolia-FEU
April 10, 2005 | 12:00am
Naglaro ng tu-lad ng isang tunay na kampeon, dini-molisa ng Magnolia Ice Cream ang baguhang Negros Navigation-San Beda, 83-52 sa pag-papatuloy ng 2005 PBL Unity Cup kaha-pon sa Makati Coli-seum.
Nagtrabaho sa likuran ng kanilang mahusay na running game at solidong inside play, nangailangan lamang ng isang quarter ang Wizards upang tulu-yang iselyo ang panalo sa torneo matapos ang nakakadismayng kabi-guan sa Toyota Otis-Letran kamakailan.
Para naman sa Red Lions, ito ang kanilang ika-lawang sunod na kabi-guan sa torneo na kani-lang ginagamit na tune-up game para sa nalalapit na giyera sa NCAA.
Nanalasa sina Denok Miranda, Arwind Santos at Mark Isip upang maki-pagkarera sa 42-22 abante na kanilang pina-lobo sa 74-39 sa kaaga-han ng fourth quarter at gulantangin ng mga bataan ni Koy Banal ang kalaban.
Ang bihirang magamit na si Don Yabut ay nanor-presa nang makisosyo ito sa scoring kay Miranda sa kanyang naitalang 10 puntos. Ang 68 na si Yabut ay humatak din ng 4 rebounds, isang assists sa loob ng 15 minutong paglalaro.
At halos nagamit din ni Banal ang kanyang 15 manlalaro na tanging si Jeff Chan lamang ang hindi naka-iskor.
"This is not the best way to gauge our strength but I saw some good signs out there. The boys wanted to win and they showed it," ani Banal. "Were hoping we can sustain our intensity and enthusiasm."
Muli ang kakulangan sa karanasan ng Nenaco ang kanilang naging susi sa kabiguan makaraang manguna sa lahat ng departamento ang Mag-nolia. Malamya din ang kanilang shooting.
Ang Wizards na umaasang mapapanatili ang titulong napagwa-gian nila sa Welcoat Paints noong nakaraang taon, ay tumusok ng 47 percent mula sa field, nagtala ng 33 sa 77 pagtatangka kontra sa 27 para sa Red Lions na gumawa lamang ng 17 mula sa 63 na pagta-tangka.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am