Dahil may walong teams lamang sa bawat division ng yugtong ito, ang top-four pagkatapos ng eliminations ay siyang uusad sa semifinals na gaganapin sa Boracay sa May-5-7 kung saan makakalaban nila ang mga qualifiers ng nakaraang Luzon at Mindanao leg para sa P100,000 na premyo.
Tinalo nina Raquelito Tayabas at Lowell Fabian ng UM-Tagum ang Western Mindanao State University, 21-13 bago nila inilampaso ang Xavier University, 21-7 habang di naman nagpadaig ang kanilang sister school na UM-Davao na binubuo nina Jason Juan at Dinri Yambao na nanalo rin sa Xavier, 21-4 at WMSU, 21-12.
Nakasiguro din sa semifinals ang MSU matapos mamayani laban sa Davao Doctors College, 21-10 at Maharlika Institute of Tech-nology (MIT), 21-16.
Kinailangang magbanat ng buto nina Galolleo Tuazon II at Ralph Abad ng ADDU laban sa MIT para maitakas ang 23-21 panalo bago igupo ang DDC, 21-10.
Pumasok din sa semifinals ang Mindanao State University tandem nina Rosnalyn Bertulfo at Lina Gampong matapos umiskor ng tatlong panalo sa womens category.
Tinalo nila ang Western Mindanao State University, 21-16, Mindanao University, 21-8 bago naitakas ang 23-21 panalo laban sa UM-Tagum.