"Sa ngayon meron ng 388 sports events na paglalabanan at naaprubahan ng NSA, dahil tayo ang host hindi na puwedeng magbawasan ito pero maari pang madagdagan dahil tayo ang host," ani Go Teng Kok, chairman ng Sports and Rules Committee .
Nagpulong kahapon ang Sports and Rules Committee para talakayin ang mga idadagdag na events para sa SEA Games na gaganapin sa Nobyembre 27-Disyembre 5 sa lugar ng Maynila, Bacolod at Cebu kasama sina Manny Tanchangco, Eli Ponce, Red Dumuk at Joaquin De Tagle.
Ang anim na sports na minumungkahing magdagdag ay ang gymnastics (2), bodybuilding (2), sa chess (2 rapids at 2 blitz) wushu (6) at 2 sa diving.
Bilang chairman ng Sports and Rules Committee ng Philipine Olympic Committee (POC), sinabi ni Go na ang anumang makukuhang panukala ng mga NSAs ay idideretso nila sa POC.
Ang POC naman ang siyang magrerekomenda sa SEA Games Federation para sa karagdagang sports vents.
Nakatakda ang huling pulong ng SEA Games Federation, nasa pamumuno ni dating POC president Celso Dayrit ng fencing, sa Abril 27. (Me-Ann Tayurang)