Reyes huling baraha ng Pinas
April 3, 2005 | 12:00am
JAKARTA --Hindi naging mabuti ang mesa para kay Gandy Valle kabaligtaran naman kay Efren Bata Reyes.
Walong bola ang pagitan para sa kabiguan sa kanyang quarterfinal match kay Kuo Po-Cheng, nakakuha ng opening si Reyes sa tamang oras at isang maningning na bank shot ang gumupo sa kalabang Taiwanese, 9-8 para sa huling Pinoy na nakalusot sa ikalawang yugto ng San Miguel Asian 9-Ball Tour dito.
Dahil sa tagumpay, umusad ang tinaguriang The Magician sa semifinals ng $50,000 event at ipinakita ang kanyang mahika ng tatlong beses para sa kanyang ikatlong panalo sa torneong ito sa final rack ng race-to-9 match.
Kabaligtaran naman ang nangyari kay Valle na sumargo ng dalawang bad shots sa bola sa huling limang racks at yumuko kay Yang Chin-Shun ng Chinese-Taipei, 9-6, sa kabilang dako ng quarterfinal bracket.
"Bumuka yung tira ko sa 5, tumalbog sa rail, dapat follow shot lang yun para placing sa 7," patungkol ni Valle, na tinalo na si Yang sa semifinals sa Singapore patungo sa pagkopo ng titulo, sa naging kapalaran niya sa 11th rack.
Ang kabiguan ni Valle ay nag-iwan sa top seed na si Reyes na solong bitbitin ang laban para sa Pilipinas dito sa Hanggar Billiard and Recreation Center, na sa kauna-unahang pagka-kataon ay ini-host ng Indonesian capital.
Ang isa pang Final Four encounter ay sa pagitan nina No. 5 Yang, kontra kay No. 6 Satoshi Kawabata ng Japan-- ang dalawang unang players na nakarating sa semis matapos ang mahigpitang 9-8 panalo laban sa Singaporean na si Toh Lian-Han.
Bukod kay Valle, ipinakita din ni Yang ang pinto papalabas kay Lee Van Corteza na tinalo niya sa unang round 9-6, kasunod ang 9-5 panalo sa Indon na si Muhamad Junarto sa second round sa event na suportado ng San Miguel at inorganisa ng ESPN Sports.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest