Magnolia Ice Cream babawi
March 27, 2005 | 12:00am
Para sa Magnolia Dairy Ice Cream, malaking kabiguan ang nakaraang tournament--ang PBL Open Championship.
Maganda ang panimula ng Wizards sa kanilang minimithing back-to-back championship matapos na manguna sa eliminations. Lalong tumingkad ang kanilang kampanya ng magwagi ng siyam na sunod na laro kabilang ang Game 1 ng kanilang best-of-three semis series kontra sa Welcoat Paints.
Subalit ang kanilang buwenas ay unti-unting kumulapso matapos na madiskaril sa kanilang sumunod na huling dalawang serye laban sa Paint Masters na siyang tumagpas sa kanilang impresibong winning streak--na pinakamahaba sa liga. Sila ay tumapos ng ikatlong puwesto sa likod ng Montaña Pawnshop at Welcoat Paints.
Taglay ng koponan ang mahusay na opensiba, umaasa ang Wizards na muling magiging maganda ang kanilang simula sa season-opening tournament--ang 2005 PBL Unity Cup at gagawin nila ang kum-perensiyang ito na hindi malilimutan.
Sasandig ang Wizards sa higanteng 6-foot-4 na si Arwind Santos na kilala sa kanyang paglalagay ng headband at bihasang shooter, gayundin ang kanyang matikas na galaw na nagmolde sa kanya bilang isang manlalaro na mahusay dumepensa sa roster ni coach Koy Banal.
Bagamat walang gaanong naririnig hinggil sa reinforcement ng koponan sa katauhan ng Fil-American na si Ramsey Williams, ayon sa team insider, ang 6-foot guard ay isa ring mahusay na shooter.
Malaking tulong ang pagkakadagdag ni Ramsey sa koponan mula ng mawala sa listahan ni Banal ang mahusay at mabilis na point guard na si Warren Ybañez na sumapi na sa Red Bull sa pro league. Inaasahang makakatulong siya ni Denok Miranda sa opensa ng koponan.
Bukod sa dalawa, taglay rin ng Magnolia ang ilang mahuhusay na players na may taas na hindi bababa sa 6-footer na gaya nina 68 Don Yabut at 66 na si James Razon.
Sasandig rin ang Wizards sa kanilang wingmen na sina Jason Misolas, Gerard Jones, RJ Rizada, Neil Raneses, Mark Isip at Cesar Catli. Ang iba pang players na puwedeng asahan sa opensa ng Wizards ay ang veteran na sina Joel Co at Jeffri Chan, Ricky Natividad at Francis Barcellano ang inaasahang makapagbibigay ng kinakailangang suporta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest