Liderato asam ng Talk N Text vs SMB
March 20, 2005 | 12:00am
Iisa lamang ang puntirya ng San Miguel Beer at ng Talk N Text: ang pangkalahatang pamumuno.
Ito ang kanilang paglalabanan sa kanilang nakatakdang sagupaan ngayon sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Alas-4:15 ng hapon ang oras ng laban ng Beermen at Phone Pals bilang opener ng twinbill ngayon kung saan magsasagupa naman ang Sta. Lucia Realty at FedEx sa ikalawang laro, alas-6:35 ng gabi.
Hangad ng Phone Pals na panatilihin ang malinis na karta matapos magtagumpay sa unang dalawang laro.
Ang una ay sa kauna-unahang overseas game ng PBA sa Jakarta, Indonesia noong Marso 6 nang kanilang igupo ang Shell Velocity, 97-88 na sinundan ng 97-75 pana-nalasa sa Sta. Lucia noong nakaraang Linggo.
Inspirado naman ang SMBeer sa nakaraang double overtime victory laban sa Sta. Lucia, 97-94 sa kanilang out-of-town game sa Ormoc City noong Huwebes na nagsulong sa kanila sa 3-1 kartada.
Kung magtatagumpay ang Talk N Text, sila ang magiging No. 1 team ngunit kung papalarin ang Beermen, magiging matatag ito sa liderato.
Dahil mahalagang laban ito para sa Phone Pals at San Miguel, mahalagang papel ang gagampanan ng mga import na sina Earl Ike ng Talk N Text at Chris Burgess ng Beermen upang tuparin ang misyon ng kani-kanilang koponan.
Sa ikalawang laro, babasagin naman ng Express at Realtors ang kanilang pagtatabla sa 1-2 record sa tulong ng kanilang mga import na sina Raheim Brown at Antonio Smith ayon sa pagkakasunod.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang Red Bull at Purefoods sa Balanga, Bataan. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest