Cariaso nagbida sa Alaska
March 19, 2005 | 12:00am
Ang kahinaan ng kanilang import ang nilukuban ni Jeffrey Cariaso upang isulong ang Alaska sa 88-82 panalo laban sa bigating Shell Velocity na nagluklok sa kanila sa win column sa PBA Fiesta Conference na nagpatuloy sa Cuneta Astrodome kagabi.
Tumapos si Cariaso ng 30-puntos, 10 nito ay sa final canto upang lukuban ang pagkabokya ng kanilang import na si Leon Derricks sa naturang yugto at magsumite ng 15-puntos.
Tinapatan ni Cariaso ang mainit na performance ni Wilson sa ika-apat na quarter kung saan kinamada nito ang 13 sa kanyang 35-puntos, upang mapreserba ng Aces ang kalamangan na naagaw nila sa Turbo Chargers sa ikatlong quarter matapos kontrolin ng Shell ang first half.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Alaska matapos mabigo sa kani-lang unang tatlong laro dahil na rin sa kahinaan ng kanilang reinforcement na si Derricks na pinagtitiyagaan ng Alaska habang wala pang dumarating na pamalit.
Samantala, maghaharap naman ang Red Bull at Purefoods sa ikat-long provincial game sa pagbisita ng PBA sa Balanga, Bataan.
Nakatakdang magharap ang Red Bull at Purefoods sa alas-6:15 ng gabi sa Bataan Peoples Cen-ter na maghihiwalay at babasag ng kanilang pagtatabla sa 2-1 panalo-talo.
Inaasahang magpa-pakitang gilas ang mga import na sina Antonio Smith ng TJ Hotdogs at Dalron Johnson ng Red Bull.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Barangay Ginebra (1-1) at Coca-Cola (1-2). (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended