Beterano't baguhan ang maglalaban sa Petron beach volley

Pinaghalong beterana at mga bata ang maglalaban-laban para sa glorya sa pagsisimula ng unang yugto ng 2005 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament sa Clearwater Country Club sa Clarkfield, Pampanga simula ngayon.

Sina reigning champions Michelle Laborte at Cecile Tabuena ng Philippine Navy at Jennifer Bohawe at Patricia Siatan ng Philippine Army ang mga tinaguriang beterana sa prestihiyosong meet na ito na hatid ng Petron.

Makakasama ng apat na winners sa dalawang araw na torneo na suportado din ng Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR at Toyota Pasong Tamo, ay ang kapwa nila mga beteranang sina Lou Maranon at Jackie Montefrio, Rosalina Gomez at Joyce Ann Realeza at Roma Jaro at Joan Namuco.

Ang mga baguhan naman ay sina Suzane Roces at Mary Abigail Escandor, Katherine Rivera at Ginaflor Alanguilan, Diane Destajo at Jennifer Halos at Jenevive Lanuevo at Ola Jade ng Patts School of Aeronautics, ang third placer sa beach volleyball tournament ng National Capital Region Athletic Association.

Ang Speedo ang official outfitter habang ang Mikasa naman ang official ball.

Show comments