Ang deadline ay ibini-gay ni Judge Rogelio Pizarro kay Eala sa kan-yang February 11 order kung saan ay ibinasura rin ng hukom ang motion for reconsideration ng PBA sa order na ilift na ang suspensiyon ng 69 na si Asi.
Si Eala ay puwedeng ipakulong ng korte hang-gat hindi nito sinusunod ang utos nito. Si Eala ay sinampahan ni Taulava, sa pamamagitan ng kan-yang abogadong si Eduardo Francisco, ng contempt of court.
Matatandaan na ibi-nigay ni Eala sa Ginebra ang 89-71 panalo ng Talk N Text sa Game 1 ng PBA finals dahil sa paglalaro ni Taulava sa bisa ng kautusan ng Quezon City RTC. Tahasan ring binawalan ni Eala si Taulava na maglaro simula sa Game 2 at maging sa Game 6 kahit pa ibinasura na noon ng korte ang mosyon ng PBA.
Ang forfeiture ni Eala sa Game 1 win ng Phone Pals at ang patuloy niyang pagbabawal kay Taulava ang nag-alis ng ningning sa finals win ng Ginebra, ayon sa maraming fans.