Shakey’s V -League title pinana ng Lady Archers

Ipinakita ng La Salle ang kanilang supremidad at tanghaling pinaka-magaling na volleyball team sa bansa maka-raang agawin ang korona sa defending champion University of Santo Tomas sa isang nakakagulat na one-sided 25-14, 25-18, 25-24 panalo kahapon sa Shakey’s V-League se-cond conference crown sa dinumog na Rizal Memorial Coliseum.

Kakaibang init ang ipinamalas ng Lady Archers nang sa kaaga-han pa lamang ay agad ipinakita ang kanilang dominasyon sa women’s volleyball nang manalasa si Maureen Penetrante.

Kuntento sa pagiging pangalawa kay crowd darling Michelle Carolino, ibinuhos ni Penetrante ang lahat ng kanyang lakas nang magpakawala ito ng 17 hits kabilang na ang 10 matutulis na kills upang banderahan ang Lady Archers sa pagpana sa titulo sa pamamagitan ng 2-0 panalo-talo marka.

Humataw naman ng anim na blocks si Carolino patungo sa pagtatapos ng isang oras at 16 minutong bakbakan ang higit na nagbaon sa Tigress na may 35 atake lamang kontra sa kabuuan ng Lady Archers na 44.

Higit na naging sentro ng atraksiyon ang maga-ling at magandang si Carolino -- na ipinagbunyi ng may mahigit 6,000 fans -- isang record para sa ligang inorganisa ng Sports Vision Manage-ment Group, Inc.-- na naglalayong ibalik ang sikat na panahon ng women’s volleyball, nang humatak ito ng 14 puntos at mag-spike ng 14 kills para iuwi ang MVP title ng conference.

Hindi rin nagpahuli ang batang kapatid na si Mayette Carolino nang nagtarak ng 10 hits para sa La Salle, na nakaganti sa kanilang kabiguan sa UST sa finals noong na-karaang taong pagta-tanghal ng torneong suportado din ng Dunkin‚ Donuts, HBC Home of Beauty Exclusives, Smart at PLDT kung saan ang Mikasa at Accel ang offi-cial volleyball at outfitter, ayon sa pagkakasunod, at Angel Zamora & Sons.

Bagamat tinanghal namang best attacker si Roxanne Pimentel na namuno sa Tigress sa kanyang 12 hits wala ang dating porma niya na marahil ay dulot ng right ankle injury na kanyang nakuha sa deciding set ng Game-One.

Nauna rito, pinabag-sak naman ng Letran ang Philippine Sports Com-mission, 25-22, 25-21, 18-25, 25-20, para naman masungkit ang ikatlong puwesto.

Show comments