Noong nakaraang taon ga-hibla na lamang ang agwat ni Aguilar, 2003 FIM Asian Motocross champion para maiposte ang kanyang back-to-back title kung saan nakipaglaban ito ng ngipin-sa-ngipin sa Japaneses rider na si Tadakazu Ohtsuka sa Macau, subalit nasilat ang Pinoy rider matapos ma-spill sa huling lap na nagbigay daan kay Ohtsuka na agawin ang 2004 Asian Motocross title.
Sa pagkakataong ito, pipilitin ni Aguilar na hindi na maulit ang pangyayari at makakasama niya sa premiere 125 cc event ang Caltex Revtex teammate na si Kenneth San Andres na gumawa ng impresibong debut sa center-piece class sa Macau noong naka-raang taon matapos na upuan ang 14th place mula sa 23-rider field.
Sina PAL Dickies Rafael Enri-quez at Nueva Ecijas Jean Erick Mitra naman ang pambato sa Peewee class ng Asian series na sumailalim sa mabigat na training para palakasin ang kani-kanilang kampanyang agawin naman ang korona mula sa 2004 Asian Peewee champion na si Troy Corpuz ng host country makaraang mag-tapos bilang runnes-up sa likod ng Guam rider.
At ang kanilang maningning na performance mula sa 2nd leg ng Philippine National Motocross Series na dinaos sa Clark Eagles Raceway sa Clark Special Economic Zone noong linggo na pina-ngasiwaan ng NAMSSA ang nagbigay sa kanila ng karapatang kumatawan sa bansa sa FIM Series sa Guam.
Ang 2005 FIM Asian Moto-cross Championship ay isang 6-leg series na lalahukan mga natio-nal motocross champions mula sa Japan, Thailand, Indonesia, India, China, Malaysia, New Zealand, Australia at Guam, USA at Philippines na maglalaban-laban naman sa Asian title.
Idaraos ang round two ng 2005 FIM Asian Motocross Championship na tinaguriang Motocross Masters of Asia sa bansa sa Puerto Princesa City sa Marso 20. At ang nalalabing iba pa ay itatanghal naman sa Dubai, UAE, Kuala Lumpur, Malaysia, Bangkok, Thailand, Jakarta, Indonesia at Macau, China.<