Houston, mahihirapan
November 7, 2004 | 12:00am
Marami ang nagsasabing kaya ng Houston Rockets na maghari sa NBA ngayong taon, lalo na't marami ang na-dagdag dito mula sa Orlando Magic. Kabilang sa mga tinutukoy sina Tracy McGrady, Juwan Howard at Tyronn Lue.
Kahapon, tinalo ng Roc-kets and Memphis Grizzlies, salamat sa 30 puntos ni McGrady. Napanood ito ng mga mapapalad na fans sa NBA opening party ng ESPN sa Glorietta 4. Subalit nahira-pang iligpit ng Rockets ang Grizzlies, bagamat nalama-ngan nila ito ng 19-5 sa simula ng laro. Marami ang kahina-ang lumitaw sa laro ng mga bata ni Jeff Van Gundy.
Una rito, ang madalas na kahinaan ni Yao Ming sa poste. Hindi halos nakaporma ang 7'6" na si Yao sa depensa ng 6'10" na si Stromile Swift, na hindi naman tunay na sen-tro. Napapasubo sa foul si Yao dahil sa kakatulong niya sa mga kakampi niya.
Naging mas epektibo pa ang may-edad na si Dikembe Mutombo, na nakapagtala ng anim na supalpal.
Ang pinakamabigat na suliranin ng Rockets ngayon ay ang kawalan ng epektibong point guard. Hindi talaga kaya ni Charlie Ward na dalhin ang koponan.
Maaga niyang binibitawan ang bola, mahilig tumira mas-yado, at mahina dumiskarte. Sa nakikita natin, mas babad pa si T-Mac maglaro ng point guard. At kahit maganda ang pagrelyebo ni Lue, napakaliit naman nito.
Isa pang kailangang ga-mutin ng Houston ay ang de-pensa ng power forward. Kinain ng buhay ni Pau Gasol ng Grizzlies si Juwan Howard. Ganito rin ang nangyari sa kanila laban sa Sacramento Kings sa China. Tinitirahan lang sa labas o sinasagasaan lang si Howard.
Kung di magagamot ng Houston ang mga proble-mang ito, balewala lang ang paghakot nila ng mga All-Stars. Nagtapon lang sila ng pera.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended