Solidong line-up ng Magnolia hindi garantiya ng titulo kay Banal
October 17, 2004 | 12:00am
Batid ni coach Koy Banal na sa kabila ng pagkakaroon ng dating solidong line-up, hindi niya ginagarantiyahan ang Magnolia Dairy Ice Cream-FEU na magkakaroon muli ng panibagong matamis na championship sa nalalapit na PBL Open Championship. Gayunpaman, pipilitin pa rin ng batang mentor na maganap ito.
Sinabi ni Banal na hindi na mahalaga kung gaano man kahirap, pero sisikapin ng San Miguel Corporations franchise na kumayod ng malalim at maging matikas ngayon upang muling maiangat ang koponan na minsan na ring naghari sa liga noong dekada 80s nang ang koponan ay giniyahan nina Jerry Codiñera, Dindo Pumaren at Nelson Asaytono.
Napagwagian ng koponan ang Unity Cup crown noong nakaraang Hunyo gamit ang pangalan ng Viva Mineral Water. Ngayon ang koponan ay gagamit ng bagong pangalan kung saan umaasa si Banal na magiging inspirasyon ito ng kanyang tropa para sa kanilang kampanyang back-to-back championships.
Bagamat nakikita ni Banal na matarik ang landas na kanyang daraanan, nakahanda naman siyang salungatin ito.
"Its going to be tough for us because we won the first tournament but we are ready. In fact, Im excited about the coming conference because all teams are strong and better prepared," ani pa ni Banal na tinukoy rin ang mga collegiate teams na gaya ng ICTSI-La Salle at Addict Mobile-Ateneo na kayang manalo ng kampeonato.
Sa katunayan ang Open Championship ang siyang perpektong lugar para sa FEU guys na muling maiangat ang kanilang respeto matapos ang nakakadismayang pagkatalo sa mga kamay ng La Salle Archers sa nakaraang UAAP finals.
Inaasahang muling babandera si Arwind Santos, winner ng Unity Cup at UAAP MVP trophies sa kampanya ng Wizards kasama sina Dennis Miranda, Warren Ybanez, Mark Isip, Gerard Jones at Jason Misolas. Kasama rin sa lineup ng Wizards sina streak-shooting Cesar Catli, RJ Rizada, Jose Sison, Joel Co, Don Yabut, James Razon, Francis Barcellano at Neil Raneses.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended