Sa airport pa lang, nakasabit ang malalaking patalastas tungkol sa dalawang larong gaganapin sa pagitan ng Houston Rockets ni Yao at ng Sacramento Kings. Ngayong araw gaganapin ang laro sa Shanghai, at sa ika-17 naman ang laban sa Beijing.
"I've never played with a great big man like Yao before," pag-amin ni Tracy McGrady, na dumating din dito upang ilunsad ang kanyang bagong sapatos na adidas T-Mac 4, ang kauna-unahang sapatos na pambasketbol na walang sintas. "People think I'm all about scoring. But I don't need to do that anymore. I think Yao and I are both young, unselfish players; great players. Chemistry won't be a problem."
Sa mga lansangan dito, nagkalat din ang mga panindang NBA, o may larawan ni Yao at T-Mac. Noong Martes, inilunsad ng adidas ang T-Mac 4 sa progresibong distrito ng Pudong dito. Kahapon, may malaking pagsalubong para kay Yao sa isang bagong tindahan sa downtown. At kagabi, nagsalu-salo ang NBA at mga lokal na isponsor bilang pagdiriwang ng pagdating ng liga dito.
Sa tabing-ilog ng Pudong, pinapaligiran ng mga makapigil-hiningang bagong gusali na kumikinang sa sikat ng araw, itinayo ng adidas ang isang basketball court para ipakita ang bagong sapatos ni McGrady.
"Kicks (basketball shoes) with laces always crease after a while," paliwanag ng leading scorer ng NBA. "And the fit changes throughout the game. So even if the fit is tight in the beginning, it changes by the end of the first quarter."
"When you first lace up your shoes," paliwanag ni John Harrison, basketball category manager for Asia Pacific ng adidas, the fit is perfect. But after an hour or two, it changes. That wont be a problem anymore. And this will allow Tracys reactions on the court to be split-second, millisecond. It also protects the players foot against sprains, something crucial in the game of basketball.
Samantala, libu-libo ang nahihirapan naman para maghagilap ng tiket para sa laro ngayong araw. Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula nang unang nabalitaan ubos na ang mga ibinebenta. Maging ang media credentials ay ilang linggo na ang nakalipas nang itigil ng pamahalaan dito ang pagtanggap, patunay lamang na sobrang init ng mga tao na makapanood ng laro ng NBA.
Maging ang isang fastfood chain dito ay may promo, kung saan ang kanilang maanghang na chicken sandwich ay may kasamang pagkalaki-laking baso ng softdrinks at poster ng NBA China Games, na pinag-aagawan naman. At lahat ng diyaryo ay nagsusumigaw sa pagbabalik ni Yao, at pagk-akataon na madala ng tinaguriang The Dynasty at McGrady ang tagumpay sa Houston Rockets.
"I really didnt know a lot about basketball in China before Yao," pag-amin ni McGrady, na kasalukuyang scoring leader sa NBA. "But there are a lot of people here, and its the up-and-coming sport. You guys just keep on working on your game, and youll have even more players in the NBA soon."