Liyamado pa rin ang Welcoat
October 14, 2004 | 12:00am
Kung mayroon man isang koponan na maagang makakapasok sa finals ng PBL Open Championship--itoy walang iba kundi ang koponan ng Welcoat Paints.
Itoy base na rin sa itinalang records ng koponan sa nakalipas na dalawang kumperensiya.
Ngunit ayaw sabihin ni coach Caloy Garcia na nagsikap na gawin ang lahat para palakasin ang tsansa ng kanyang kopo-nan ngayon. Sa katunayan si Garcia ay nagkaroon na ng leksiyon, hindi lang dalawa sa hindi magandang nangyari sa koponan na taglay ang kanilang solidong line-up, subalit nabigo pa rin sila sa kanilang inaasinta.
Gayunpaman, sinabi ni Garcia sa kanyang tropa na huwag isipin ang pangyayaring iyon sa isang practice ng koponan sa Makati Coliseum kung saan hinamon niya ang kanyang bataan na lumaro ng eksplosibo at may malalim na puso upang makapasok sa finals para sa record na 10th beses.
Pinanatili ng Welcoat, nanalo ng limang kampeonato sa siyam na finals appearances ang serbisyo ng streak-shooting na si Chester Tolomia at bullstrong forward na si Marvin Ortiguerra na kapwa dating pros--ngunit mayroon pang bagong sandata ang koponan--ang Fil-Am na si Anthony Washington.
Sa kabila ng presen-siya ng 6-foot-7 na si Washington, tumanggi pa rin si Garcia na aminin na mayroon siyang formidable squad.
Sinabi pa ni Garcia na naka-sentro ang atensiyon ng koponan sa defensive rotations na inaasahang magiging vital role para sa kanilang kampanya sa korona na binigyan ng mahuhusay na outside shooters.
Pero ang isang magandang bagay hinggil kay Washington, ayon kay Garcia ay maaari itong lumaro ng multiple positions at may magan-dang ugali sa loob ng court.
Ibinalik din ng Welcoat ang serbisyo ng veteran guard na si Eugene Tan na bahagi sa apat na korona ng Welcoat bago siya nagtungo sa Hapee Toothpaste ilang taon na ang nakakaraan.
Makakasalo ni Tan sa role ng court general ang dating Hapee teammate na sina Ryan Dy at Donald Dulay.
Ang iba pang mukha sa koponan ay sina dating NCAA MVP Leo Najorda, Allan Gamboa at Erwin Sta. Maria na inaasahang magbibigay rin ng malaking suporta sa koponan.
Ang mga datihang players ay sina 6-foot-7 JR Reyes, Melvin Ma-maclay, JR Estrada, JA Coching at Christian Guevarra.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended