^

PSN Palaro

GM title ni Paragua delikado pa

-
Nasuong sa delikadong situwasyon ang kampanya ni Filipino International Master Mark Paragua para sa kanyang inaasam na 3rd at final GM norm nang yumukod sa kapwa IM na si Roman Ovetchkin ng Russia sa eight round noong Miyerkules ng gabi sa 2nd Alushta GMT sa Alushta, Crimea, Ukraine.

Hawak ang mga itim na piyesa, tinanggihan ni Paragua ang alok na draw ni Ovetchkin sa kalagitnaan ng laro na naging dahilan ng kanyang unang pagkatalo.

Dahil sa kabiguang ito ng 20-anyos na si Paragua, kailangan niyang umiskor ng hindi bababa sa anim na puntos sa huling pitong rounds upang makuha ang GM title, gayunpaman, hindi pa rin siya naaalis sa liderato kung saan kasalo niya ang tatlong iba pang chessers na mayroong 5 puntos na nalikom.

Samantala, pinangunahan ni GM-candidate Roland Salvador ang kampanya ng Pinoy sa 1-2-3 finish sa katatapos na Sta. Catarina Semilampo Open Chess Championships sa Bergamo, Italy.

Kumubra si Salvador ng 6.5 puntos sa pitong rounds upang kunin ang korona, habang nagtala naman ang mga kababayang sina International Master Yves Rañola at National Master Rolly Martinez ng 6 at 5.5 puntos, ayon sa pagkakasunod.

ALUSHTA

BERGAMO

CATARINA SEMILAMPO OPEN CHESS CHAMPIONSHIPS

DAHIL

FILIPINO INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

INTERNATIONAL MASTER YVES RA

NATIONAL MASTER ROLLY MARTINEZ

PARAGUA

ROLAND SALVADOR

ROMAN OVETCHKIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with