UCAA Seniors Basketball: Katatagan sa pangunguna asam ng EAC kontra St. Francis
September 15, 2004 | 12:00am
Bagamat nasa kanilang mga kamay ang No. 1 slot, pipilitin pa rin ng host school Emilio Aguinaldo College na maipuslit ang kanilang panalo laban sa two-time defending champion St. Francis of Assisi sa kanilang paghaharap nga-yon sa 3rd Universities and Colleges Athletics Association (UCAA) seniors basketball tournament sa huling araw ng eliminations sa EAC gym.
At dahil nasa panig nila ang partisan crowd na magbibigay ng inspirasyon, inaasahang makukumpleto ng Generals ang 14-game sweep laban sa may kalakasang Doves bilang pampagana ng nakatakdang apat na pares na salpukan.
Hawak ang bentaheng twice-to-beat sa crossover semifinals, haharapin ng Generals ang Doves sa alas-9 ng umaga.
Taliwas sa Doves, magaang na hamon ang susuungin ng La Salle-Dasmariñas sa kanilang paghaharap ng sister team na La Salle-Manila sa alas-10:30 ng umaga.
Sa iba pang laban, sasagupain ng Philippine School of Business Administration ang Olivarez sa ala-1 ng hapon, habang magbabanatan naman ang National College for Business and Arts at ang San Lorenzo sa alas-2:30.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended