^

PSN Palaro

3 slots sa semis pag-aagawan ng lima

-
At dahil sa sigurado na ang host school Emilio Aguinaldo ng isang puwesto sa semifinals, nakatuon ngayon ang atensiyon sa limang iba pang koponan na mag-aagawan para sa nalalabing tatlong slot sa semis sa kanilang nakatakdang paghaharap ngayon sa penultimate day ng 3rd Universities and Colleges Athletics Association (UCAA) basketball tournament sa EAC gym.

Sisimulan ng league-leading Generals ang pagbubukas ng apat na mainit na salpukan sa kanilang pakikipagtipan sa kulelat na De La Salle sa alas-9 ng umaga kung saan muling paboritong manalo ang EAC ni coach Nomar Isla na maisubi ang kanilang ika-13 sunod na panalo.

Sasagupain ng two-time defending champion St. Francis of Assisi Doves ang Olivarez Sea Lions sa alas-10:30 ng umaga kung saan kailangan nilang manalo upang mapasolido ang kanilang kampanya sa Final Four.

Tatangkain naman ng DLSU-D na madugtungan ang kanilang tsansa sa pama-magitan ng kanilang panalo kontra sa National College for Business Administration sa kanilang paghaharap sa ala-1 ng hapon upang makahatak ng playoff para sa huling semis berth.

Krusiyal naman ang katayuan ng PSBA sa kanilang nakatakdang salpukan ng CDSL sa alas-2:30 ng hapon kung saan ang kanilang kabiguan ang tuluyang maglalaglag ng kanilang tsansa para mapasama sa cast ng Final Four.

BUSINESS ADMINISTRATION

DE LA SALLE

EMILIO AGUINALDO

FINAL FOUR

KANILANG

NATIONAL COLLEGE

NOMAR ISLA

OLIVAREZ SEA LIONS

ST. FRANCIS OF ASSISI DOVES

UNIVERSITIES AND COLLEGES ATHLETICS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with