^

PSN Palaro

10th Asian Mountain Bike Championships: Nationals bibitbitin nina Quinones at Feliciano

-
Pamumunuan nina Eusebio Quinones at Frederick Feliciano ang kampanya ng bansa laban sa mga pinakamahuhusay na riders sa kontinente sa pagpadyak ng mga siklista sa Puerto Princesa City mula October 7 hanggang 10 para sa 10th Asian Mountain Bike Championships.

Hawak ni Quinones ang gintong medalya sa cross country ng 2003 Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam at ang pagbubukas ng Southeast Asian MTB Championships noong June sa Danao City habang nakasukbit naman kay Quinones ang bronze mula rin sa Vietnam SEA Games at 2002 Asian MTB sa Chinese-Taipei.

Ang dalawang Pinoy riders ay kapwa nasa ranggo din ng UCI (Union Cycliste Internationale) top 2000 MTB riders kung saan si Quinones ay pang-286 at si Feliciano naman ay pang-404. Ang dalawang ranking ay base sa puntos na kanilang naipon sa kanilang partisipasyon sa mga major competitions bagamat ang dalawang riders ay hindi pa lumalahok sa labas ng Asian MTB.

Sa kabilang dako, pangungunahan naman ni Marites Bitbit ang kampanya ng kababaihan. Si Bitbit ay bronze medalist sa 2003 Vietnam SEA Games crosscountry competition at ang kanyang pagtawid sa triathlon at duathlon ay makakatulong ng malaki sa kanya sa Puerto Princesa kung saan ang world-class crosscountry at downhill courses ay idinesenyo ng opisyal na PhilCycling at sinertipikahan ni Oscar ‘Boying’ Rodriguez Jr. ng Danao City, ang natatanging international commissaire para sa MTB ng bansa.

Kabilang din sa national team ang beteranong internationalist na si Ruel Casaljay, Evic Largo, Michael Borja, Parabane Mendoza, Joey Barba at Nino Surban sa men’s at Mylene Hopeda at Athena Beltran sa women’s.

Inaasahan ng PhilCycling na may 15 Asian countries ang sasali sa championships kung saan kinumpirma na ng South Korea, Japan, Malaysia, Chinese Taipei, Indonesia at Thailand ang kanilang partisi-pasyon sa event.

Ang Asian MTB ang tampok sa Philippine Cycling Festival na nagbabalik sa national cycling open. Magkakaroon ng national competitions sa track sa October 3 sa Amoranto Velodrome sa Quezon City, criterium race sa October 3 din sa Luneta, road ITT sa Nasugbu sa October 4, road massed start sa Tagaytay City sa October 5 at ang national MTB na kaalinsabay ng Asian championships sa Puerto Princesa.

vuukle comment

AMORANTO VELODROME

ANG ASIAN

ASIAN

ASIAN MOUNTAIN BIKE CHAMPIONSHIPS

ATHENA BELTRAN

CHINESE TAIPEI

DANAO CITY

EUSEBIO QUINONES

EVIC LARGO

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with