Ikalawang gold nilangoy ni Arabejo

Muling lumangoy ng gintong medalya si Ryan Paolo Arabejo ng Team MayniLA-Philippines sa 2004 Hong Kong Swimming Championships para sa kanyang ikalawang ginto sa tatlong araw na event na ginaganap sa world-class indoor Shing Mun Valley Swimming Center sa Hong Kong.

Ang 14 anyos na si Arabejo ay hindi mapigil sa pangunguna upang maisukbit ang ginto sa 400meter freestyle sa event na tinatampukan ng mga best 16-under swimmers mula sa dating British colony, kabilang na ang lahok mula sa South China.

Pansamantalang napigil ang impact ng tagumpay ni Arabejo nang makuntento lamang sa silver medal ang 14 anyos na si Matthew Tano sa 200meter butterfly event na sorpresang kinuha ng 16 anyos na si David Kai Wai Wong ng host country ang ginto.

Show comments