^

PSN Palaro

US Open title handa ng bawiin nina Hewitt at Williams

-
NEW YORK--Nagba-banta ang mga serbisyo nina Lleyton Hewitt at Serena Williams na kap-wa handa na sila upang mabawi ang kani-kani-lang korona matapos na itala ang straight-set na panalo noong Miyerkules sa 17.8 million dollar U.S. Open.

Pinayukod ni Hewitt, nanalo noong 2001 ang South African na si Wayne Ferreira, 6-1, 7-5, 6-4 upang palawigin ang kanyang winning streak sa 11 matches.

Ginapi naman ng two-time Open champion na si Williams ang kapwa American na si Lindsay Lee-Waters, 6-4, 6-3 upang makarating sa third round ng pinalaking open women’s field. Si Williams ay nanalo dito sa kauna-unahang pagkakataon sa edad na 17 noong 1999 at naulit noong 2002.

Ipinagpatuloy ng 23-anyos na Australian na si Hewitt ang kanyang soli-dong paglalaro noong Miyerkules na naglagay sa kanya sa tatlong finals noong Agosto.

Haharapin ni Hewitt si Hicham Arazi ng Monaco na nanalo naman kay Kenneth Carlsen ng Den-mark, 6-4, 7-6 (7-5), 6-7 (7-9), 3-6, 6-3.

Sa iba pang laban sa women’s ang No. 17 na si Alicia Molik ng Australia ang naging ikalimang women’s seed na napa-talsik matapos na ma-upset ni Daniela Hantu-chova ng Slovakia, 6-4, 6-3.

Natabunan naman ng No. 2 na si Amelie Mau-resmo ng France ang 34 unforced errors at ang kanyang kabiguan sa first set upang makarating sa third round matapos na manalo sa iskor na 3-6, 6-2, 6-2 kontra kay Julia Vakulenko ng Ukraine.

ALICIA MOLIK

AMELIE MAU

DANIELA HANTU

HEWITT

HICHAM ARAZI

JULIA VAKULENKO

KENNETH CARLSEN

LINDSAY LEE-WATERS

LLEYTON HEWITT

MIYERKULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with