^

PSN Palaro

Canada, Raterta nanguna sa Bicol Milo Marathon elims.

-
Nagpasiklab si Alvin Canada nang kanyang pamunuan ang 28th National Milo Marathon 21K Bicol elimination race na nagsimula at nagtapos sa Plaza Quezon Freedom Park kahapon na itinanghal ng Bayview Park Hotel Manila, Cebu Pacific, ADIDAS, Globe Handyphone at Department of Tourism.

Iniwanan ni Canada ang kanyang apat na kalaban sa huling walong kilometro at namintina niya ang kanyang mabilis na pacing upang maisagawa ang kanyang ikalawang regional victory.

Ang 23-year-old Bicolano mula sa Basud, Camarines Norte, na nanalo noong 2002, ay may oras na 1:17:02 upang ibulsa ang first prize money na P10,000 at karapatang katawanin ang Bicol region sa grand finals sa November 14 sa Manila.

Tinawid ni Canada ang finish line na may 50-metrong layo kay Neri Barcelo, na pumangalawa sa oras na 1:17.12 para sa P7,000, na sinundan ni Ernie Payong sa tiyempong 1:17.25 para sa P5,000 third prize.

"Talagang pinaghandaan ko ito. Tatlong buwan akong nag-ensayo para dito. Salamat hindi ako nabigo," ani Canada sa local dialect.

Dinuplika naman ni Luisa Raterta ang kanyang tagumpay noong nakaraang taon nang kanyang pangunahan ang women’s division sa oras na 1:52.34 na may P10,000 prize habang pumangalawa si Joanne Manangat sa oras na 1:53.48 at P7,000 at ikatlo si Joy Pardenas na nanalo ng P3,000 third prize sa tiyempong 2:15.09.

Ang susunod na leg ng Milo Marathon elimination ay sa Davao City sa September 5.

ALVIN CANADA

BAYVIEW PARK HOTEL MANILA

BICOL

CAMARINES NORTE

CEBU PACIFIC

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF TOURISM

ERNIE PAYONG

GLOBE HANDYPHONE

JOANNE MANANGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with