^

PSN Palaro

Kundisyon si Vertek

-
ATHENS – Kumpiyansa ang Filipino long distance specialists na si Eduardo Buenavista na susubok na bigyan ng karangalan ang bansa sa marathon ngunit hindi niya matitiyak kung ano ang kanyang magiging pagtatapos sa final event ng 28th Olympic Games dito.

"Nasa kundisyon ako," wika ng 26-gulang na 5-foot runner mula sa Santo Niño, South Cotabato.

Hawak ni Buenavista ang Philippine record na 2-hours 18-minutes at 44-seconds para sa marathon na naitala nito sa Japan Marathon sa Oita City noong Pebrero.

"I’ll try to improve this time," ani Buenavista na nangako sa bisperas ng kanyang laban na magsisimula sa alas-6:00 ng gabi.

Ang marathon ay dadaan sa rutang ginamit noong 1896 Modern Olympic Games na magtatapos sa Panathainiko Stadium.

Si Buenavista rin ang record holder sa 3,000, 5,000 at 10,000 meter run ngunit nagdesisyon itong lumipat sa marathon ‘dahil mas may laban ako dito sa international competition," aniya.

Kung hahataw agad si Buenavista, "hindi, mahirap iyon. Pero hindi naman siguro ako mahuhuli."

Ang best Olympic performance sa marathon ay itinala ni Carlos Lopes ng Portugal noong 1984 Los Angeles Olympics sa oras na 2:09.21.

Limang Pinoy na ang nakasali sa Olympic mara-thon ngunit sa ikalawang Olympic campaign ni Bue-navista, siya ang may malaking tsansang makagawa ng best performance.

Ito ay sina Benjamin Silva-Netto (Mexico), Victor Idava (Montreal), Leonardo Illut (Los Angeles) Herman Suizo (Barcelona) at Roy Vence (Atlanta).

BENJAMIN SILVA-NETTO

BUENAVISTA

CARLOS LOPES

EDUARDO BUENAVISTA

HERMAN SUIZO

JAPAN MARATHON

LEONARDO ILLUT

LIMANG PINOY

LOS ANGELES

LOS ANGELES OLYMPICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with