JRU vs UPHDS / PCU kontra SSC-R
August 23, 2004 | 12:00am
Manatili sa liderato at makalapit sa Final Four ang nag-iisang layunin ngayon ng host University of Perpetual Help Dalta System, San Sebastian College at Philippine Christian University sa pag-usad ng umiinit na ikalawang round ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Bagamat inaasahang magiging dikdikan ang labanan ng PCU Dolphins at SSC Stags sa ikalawang seniors game, dakong alas-6 ng gabi, inaasahang tutukan din ang laban ng UPHDS Altas kontra sa Jose Rizal University sa unang seniors game, dakong alas-2 ng hapon.
Magkakasama ang Perpetual, PCU at SSC-R Stags sa fourway tie sa liderato, kabilang ang pahinga ngayong defending champion Colegio de San Juan de Letran sa kanilang magkakatulad na 7-4 win-loss slate.
Magbabalik na ngayon si Dean Apor mula sa one game suspension ngunit kahit wala siya sa nakaraang laro ay nagawa pa rin ng Altas na hatakin ang 70-65 panalo kontra sa San Sebastian kahit walo lamang ang players na pumutol sa kanilang three game losing streak.
Kung magtatagumpay ang Perpetual, tuluyan nang masisibak sa kontensiyon ang nanganga-nib na JRU Heavy Bombers na obligadong ma-sweep ang huling tatlong laro kabilang ang laban ngayon dahil sa mababang 4-7 kartada.
Sa juniors division, bubuksan ng JRU Light Bombers ang aksiyon sa alas-11:30 ng umaga kontra sa UPHDS Altalletes habang ang PCU Baby Dolphins at SSC-R Staglets naman ang magsasagupa sa dakong alas-4 ng hapon. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended