^

PSN Palaro

Ubos na ang Pinoy boxers

-
ATHENS-- Lumasap ng nakakagulat na 25-42 kabiguan ang huling boksingerong Pinoy na si lightflyweight Harry Tanamor kontra sa mabilis na Korean na si Hong Moo Won noong Sabado ng gabi (Linggo ng madaling-araw sa Manila) at wakasan ang kampanya ng bansa sa boxing medal ng 28th Olympic Games sa Persiteri Hall dito.

Ito ang pinakamabilis na paglabas ng Pinoy boxers sa Olympic competitions sapul noong 1984 Los Angeles Games kung saan umabot si Leopoldo Cantancio sa quarterfinals. Umabot din sa quarterfinals si Danilo Lerio sa Sydney habang sina Leopoldo Serrantes at Roel Velasco naman ay tumanggap ng bronze medal sa Seoul at Barcelona at silver si Onyok Velasco sa Atlanta.

Matapos kunin ang 3-point lead at ilatag ang 10-10 standoff sa pagtatapos ng first round, biglang nawala ang depensa ng kaliweteng si Tanamor na nagbigay daan sa mabilis na Korean na makaiskor ng kombinasyon sa ulo at katawan.

Nagmukhang kawawa si Tanamor habang tinatanggap ang lahat ng suntok. Sa katunayan, nagreklamo na rin si Tanamor kay coach Greg Caliwan na sa kaagahan pa lamang ng ikalawang round ay nangangatog na ang kanyang tuhod.

Tinangkang bumalik ni Tanamor sa ikatlong round ngunit higit na naging mabilis ang Korean at naging mailap.

Sinubukan pa uli ni Tanamor na humabol sa katawan, ngunit dito na umiskor ng mas mara-ming puntos ang Koreano.

"I don’t know what happened," ani boxing president Manny Lopez, na umuupong miyembro ng jury of appeals. "Tumama naman sa katawan si Harry pero walang score. Pag ang kalaban ang tumama sa katawan, may puntos."

DANILO LERIO

GREG CALIWAN

HARRY TANAMOR

HONG MOO WON

LEOPOLDO CANTANCIO

LEOPOLDO SERRANTES

LOS ANGELES GAMES

MANNY LOPEZ

OLYMPIC GAMES

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with