^

PSN Palaro

Brin iniligwak ng Thai boxer

-
ATHENS -- Matapos ang pitong araw, isang boksingero na lamang ang natitira para ipursige ang kampanya ng bansa sa mailap na gintong medalya sa boxing sa 28th Olympic Games dito.

Bugbog-sarado si lightwelterweight Romeo Brin, three-time Olympian, kay Manus Boonjumnong ng Thailand at yumuko sa 15-29 desisyon noong Huwebes ng gabi sa Perseteri Olympic boxing hall dito.

"Talo talaga," anang 31 anyos na si Brin pagkatapos ng laban.

Ngunit kung papaano ito nangyari ay isang malaking sorpresa sa ma-raming Pinoy na nanonood dahil minsan ng tinalo ni Brin ang Thai sa Asian qualifying sa Puerto Princesa, Palawan noong Enero. At tila hindi ginagampanan nina coach Greg Caliwan at Nolito Velasco ang kanilang asignatura.

Ibang Manus ang umakyat sa ring nang magpakawala agad ito ng one-two combination sa ulo at katawan ni Brin habang panay salto naman ang suntok ng Pinoy.

"Napag-aralan si Brin pagkatapos ng laban nila," ani dating Manila Mayor Mel Lopez . "Panay ang patama sa katawan at mukha ni Brin."

Gayunpaman, umaasa pa rin si Lopez na mapapanatili ng naiwang si lightflyweight Harry Tanamor na nakataas ang pambansang kulay.

Aakyat sa ring si Tanamor para makaharap si Korean Hong Moo Won sa Sabado ng gabi.

"The Korean is like a punching machine, but the coaches will review the tape of his fight against Madagascar’s Lalaina Rabenarivo to plot our strategy," anang ama ni boxing chief Manny Lopez na nagsisilbing miyembro ng jury of appeals dito.

Isa-isang nalaglag ang mga boksingero. Una si Fil-Am Christopher Ca-mat na natalo kay Russian Gaydarbek Gaydarbekov, 13-35 pagkatapos ng opening ceremonies, kasunod naman si fly-weight Violito Payla na nilamog ni Tulashboy Doniorov ng Uzbekistan, 36-26 noong Martes.

Tumanggap ng dalawang matinding jabs si Brin mula sa Thai upang agad maiwan sa 0-2 sa panimulang round. Hindi na ito nakarekober matapos noon bagamat nagpapakawala ito ng solidong suntok.

vuukle comment

BRIN

FIL-AM CHRISTOPHER CA

GREG CALIWAN

HARRY TANAMOR

IBANG MANUS

KOREAN HONG MOO WON

LALAINA RABENARIVO

MANILA MAYOR MEL LOPEZ

MANNY LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with