Ngayon magsisimula na siya sa kanyang kampanya sa Olimpiyada kontra kay Sherali Dostiev ng Tajikistan, sa ganap na alas-8 ng gabi (alas-2 ng madaling araw sa Manila) sa Peristeri boxing hall.
Ang 26 anyos na si Tanamor, bronze medalist sa 2001 at 2003 World Championships sa Belfast at Bangkok, ayon sa pagkakasunod, ay ang ikaapat at huling Pinoy boxer na aakyat sa ring matapos nina middleweight Chris Camat, light welterweight Romeo Brin at flyweight Violito Payla.
Si Camat ay maagang nalaglag sa kompetisyon makaraang matalo sa unang round, habang nagpamalas ng impresibong pagbabalik si Brin nang igupo nito si Patrick Bogere ng Sweden. Kasalukuyang nasa aksiyon si Payla kontra kay Tulashboy Doniroyov ng Uzbekistan habang sinusulat ang balitang ito.
Nabigo si Tanamor na umabante sa Olympic proper nang matalo ito sa Asian qualifiers na ginanap sa Puerto Princesa at Guang-Zhou, China ngunit nakapasa sa huling eliminations sa Karachi.
Ang batang tubong-Zamboanga City, na nag-silver sa Usti Nad Labem slugfest sa Czech Re-public bago nagtungo sa seryosong training sa Plovdiv, Bulgaria at Bugeat, France, ay medyo nakakaangat sa kani-lang kalabang Uzbek.
Mas maganda ang kredensiyal at karanasan ni Tanamor. Sa katuna-yan, kasama siya sa top pick ng Sports Illustrated sa lightflyweight kasama sina Russian Sergei Kazakov, Cuban Yan Bartelemy at Chinese Zou Shiming. (Ulat ni Lito Tacujan)