NBA, PATOK ULI

Malapit na namang magsimulang uminit ang NBA, dito pa lamang sa Pilipinas.

Kahapon, inilunsad ang NBA Madness, na gaganapin sa SM Megamall sa ikalawa hanggang ikalima ng Setyembre. Pero, di gaya ng dati, mas maraming malalahukang patimpalak ang ating mga kababayan.

"This is our way of making the NBA more accessible to more people, out of gratitude for how warmly we were received last year," paliwanag ni Carlo Singson, country manager ng NBA para sa Pilipinas.

Kabilang sa mga palaro ay ang NBA Mad Skillz, kung saan masusubukan ang husay ng mga manlalarong 14 hanggang 22 taong gulang sa pagdribol, pagpasa at pagsiyut ng bola. Kabilang din ang tatluhan, at iba pang mga palaro para sa mga batang kalalakihan at kababaihan. Liban dito, darating din ang Los Angeles Laker Girls, na di natuloy noong nakaraang taon at pinalitan ng Golden State Warrior Girls. Ang Laker Girls ang pinakakilala sa mga cheerleaders ng NBA, at taun-taon ay nadaragdagan dahil sa dami ng kanilang dinadaluhang mga NBA event.

Kung inyong matatandaan, nagwagi ang inyong lingkod at ang bunso kong anak na si Daniel sa NBA Madness 2Ball contest noong 2003. Tinalo namin ang tambalang Bobby at Ray-ray Parks, Paulo Trillo at Domonic Uy, at dala-wang coach mula sa Hoops School. Sa taong ito, baka masali ang panganay naming si Vincent dahil magkakaroon ng 3-on-3 para sa media.

Marami ring mangyayari bago pa man magsimula ang NBA season sa Nobyembre.

Una, maglalaban ang Houston Rockets nila Tracy Mc-Grady at Yao Ming, at ang Sacramento Kings. May intriga pang di na magkasundo si Peja Stojakovic at Chris Webber, at maaaring magkahiwalay ng landas bago magsimula ang season.

Maghaharap ang Rockets at Kings sa Shanghai (maaaring sa Oktubre 14) at Beijing (nakatakda sa Oktubre 17).

Liban dito, marami pang palitan ng player ang magaga-nap. Marami ang nayanig nang mapunta ang Los Angeles Lakers na sina Gary Payton at Rick Fox sa Boston Celtics. Mukhang naglilinis ng bahay talaga ang mga dating kam-peon.

May ulat namang lilipat sa Miami Heat si Karl Malone para makasama muli si Shaquille O’Neal. Abangan natin.

Sa mga susunod na linggo, susubaybayan ng inyong lingkod ang mga kaganapan sa NBA. Hayaan ninyo, pag may lumitaw na bagong balita, malalaman niyo, pati na rin sa paborito ninyong The Basketball Show tuwing Sabado.

Show comments