^

PSN Palaro

PELIGRO SA MGA BATA

GAME NA! - Bill Velasco -
Siguradong pagkatapos ng Olympics sa Athens, milyun-milyong kabataan ang magsisimadali na bumili ng gamit at sumubok ng mga bagong sport. Subalit may mga pag-aaral na nagpapatunay na mas maraming kabataan ang umaayaw na sa sports dahil napupuwersa silang maglaro kahit di nila gusto.

Sa maraming bagong pag-aaral, lumilitaw na humigit-kumulang 80 ng mga magulang na nakakapanood ng mga larong pambata ay nakakasaksi ng pang-aaping ginagawa sa mga bata. Halos ganoon din kakaki ang bahagi na nagsa-sabing sila rin ay naging biktima ng pang-aabuso.

Nagsimula ang pag-organisa ng mga children’s sports sa Amerika bago pumutok ang World War II. Isang may-ari ng pabrika sa Philadelphia ang nakiusap sa isang kaibigan na bumuo ng liga para sa mga kabataan para di na nila gawing libangan ang pagbasag sa mga bintana ng kanyang paga-waan. Dito isinilang ang kilala na ngayong "Pop" Warner football noong 1929. Isang dekada matapos nito, isinilang naman ang liga ng baseball para sa mga batang masyadong maliit para makalaro sa mga liga. Binansagan itong Little League.

Pero talagang kumalat ang sports na pambata (at ang pakikialam ng mga magulang) noong dekada ’60. Sa panahong iyon, ang mga isinilang matapos ang World War II (ang tinaguriang Baby Boom generation) ay naging mga magulang din. Sinabayan nito ang pagkalat ng mga kabahayan palabas sa mga masisikip na siyudad. Sa paghahanap ng mga Baby Boomer ng angkop na sport para sa kanilang mga pamilya, napili nila ang soccer, na kayang laruin ng kahit sino. Hanggang ngayon, milyun-milyong kabataan sa Amerika ang naglalaro pa rin ng soccer ng di-kukulangin ng dalawang beses isang buwan.

Dito nagkaroon ng problema. Nagkaisa nga ang mga magulang, pero sa pagpupuna sa mga umpire at referee, at panlalait sa mga batang kalaban ng kanilang mga anak. Naging laganap din ito sa ibang sport.

Marami namang mga coach ang nagsamantala sa pansin at pera ng mga magulang. Sasabihin ng coach na may poten-syal ang bata, pero kailangan ng training. Gagastos ang magu-lang, at pipilitin ang batang maglaro, kahit hindi na nalilibang ang bata. Sa tutoo lang, limang porsyento lamang ng mga kabataan ang papasa bilang elite athlete. Dito dumarami ang psychological trauma at mga injury ng mga bata.

Mahirap talagang magpalaki ng magulang.

AMERIKA

BABY BOOM

BABY BOOMER

BINANSAGAN

DITO

GAGASTOS

ISANG

LITTLE LEAGUE

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with