Gawin ang makakaya para sa bansa - Dayrit
August 7, 2004 | 12:00am
Maglaro ng abot sa kanilang makakaya at bumura ng kani-kanilang personal records.
Ito ang bilin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit sa 16 atletang lalahok sa 2004 Athens Olympics Games sa Agosto 13-29.
"Our objective here is to do the best that they can and hopefully, this would serve as a good exposure for them for the coming SEA Games that will be held in Manila," wika kahapon ni Dayrit.
Nakatakdang umalis kahapon patungong Athens sina swimmer Timmy Chua, archer Jasmine Figueroa at trap shooter Jethro Dionisio, kasama si chef de mission Steve Hontiveros ng bowling.
"Lets be frank about it," ani Hontiveros sa tsansa ng 16 atleta para sa medalya sa Athens Games. "Talagang mahihirapan tayo but its al-ready an honor for us na naka-qualify sila sa Olympic Games."
Ang iba pang miyembro ng 16-man contingent ay sina teakwondo jins Donald Geisler, Maria Antonette Rivero at Tshomlee Go, boxers Christopher Camat, Romeo Brin, Violito Payla at Harry Tanamor, swimmers Miguel Molina, Miguel Mendoza, JB Walsh at Jacklyn Pangilinan at tracksters Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan-Gabito.
Sa naturang mga atleta, ang mga taekwondo jins at boxers ang binigyan ni Dayrit ng pag-asang makapag-uwi ng medalya mula sa Athens Games.
"It is also possible that we could pull some surprises in archery and shooting with Jasmine Figueroa and Jethro Dionisio," ani Dayrit. >

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest