Makakaharap ng Taiwanese, na huling nagwagi sa event noong naka-raang dalawang taon, ang Koreans sa ganap na alas-11:00 ng umaga sa laban na inaasahang magiging preview ng kampeonato na nagsisilbing regional elimination para sa Pony World Series na nakatakda sa Pennsylvania, USA sa susunod na buwan.
Isang simpleng seremonya sa ganap na alas-10 ng umaga ang mag-huhudyat ng apat na araw na torneong inorganisa ni Pony Baseball Southeast Asian representative at RP Tot Baseball president Rodolfo Boy Tingzon Jr.
Nakatakdang magtagpo ang Filipino clouters at Japanese sa alas-2 ng hapon.
Ang Chinese-Taipei at Korea, ang 2002 runner-up ay magkahiwalay na dumating noong Linggo habang ang Japan na kakatawanin ng all-Japan champion Okinawa ay dumating ng mas maaga.
"Were really excited because its the first time that we are hosting this big event," ani Tingzon, vice-chairman ng organizing committee ng torneong itinataguyod ng Jollibee, Purefoods at Coca-cola at suportado ng Philippine Sports Commission at Pagcor.
Bibigyan naman ng parangal ng Asia-Pacific Zone baseball ang ama ni Tingzon na si Rodolfo Totoy Sr. sa pagtatatag ng youth baseball leagues hindi lamang sa bansa kundi sa buong Asia-Pacific region noong kaagahan ng 1960 kung saan tinawag siyang "Father of Youth Baseball."
Si Yoshio Oda, ang tournament director na kakatawan kay Zone director Shinjuke Itoh, ang magbibigay ng parangal kay Tingzon na dadaluhan nina Philippine Sports Commission chair Eric Buhain at Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit.
"I wish to congratulate my valued and long-time friend, Rodolfo Tingzon, Sr., for his untiring support for the development of baseball in the Asia-Pacific region," ayon sa ipinadalang mensahe ni Itoh kay Tingzon.