Ang Doves, kampeon sa nakalipas na dalawang season, ay nananatiling team-to-beat sa 8-member school meet bagamat ang ibang miyembro kabilang na ang host Emilio Aguinaldo College ay maaaring humatak ng sorpresa.
Ang lakas ng Generals ay masusubukan agad ng La Salle-Dasmariñas sa unang laro ng mabigat na four-game bill sa opening day, pagkatapos ng sim-ple ngunit makulay na student show.
Inimbitahan sina Ma-nila Mayor Lito Atienza at sportscaster/columnist Quinito Henson bilang espesyal na panauhin at tagapagsalita. Sila ay aasistihan ni Romeo Gabriel EAC PE director at UCAA president at EAC presi-dent Jose Paulo E. Campos, EdD. sa ceremonial toss.
Makakalaban naman ng St. Francis ang mahig-pit nilang karibal na Philip-pine School of Business Administration sa alas-11:30 ng umaga habang makikipagtipan naman ang La Salle-Manila sa Colegio de San Lorenzo sa ala-una ng hapon.
Tatapusin naman ng Olivarez College at National School of Business and Arts ang opener sa kanilang pagsasagupa sa alas-2:30 ng hapon.