Pinoy chesser ginimbal ang Yugoslavian Super GM
July 29, 2004 | 12:00am
Malakas na parang buhawi ang dating ni Filipino National Master Yves Rañola (ELO 2410) matapos sorpresahin si dating Yugoslavian Super Grandmaster Igor Miladinovic (ELO 2630) na kumakatawan na ngayon sa Greece para maitala ang pinakamalaking upset sa second round at manatili sa liderato kasama ang labinglima pang chess players sa pagpapatuloy ng XVI Open Cannes International Chess Championships na ginanap sa Cannes, France kahapon.
Ang dating Philippine Junior champion na si Rañola ay nakalikom na ng perfect 2.0 puntos at kahanay sa ika-1 hanggang ika-12 na puwesto sina GM Andrei Sokolov, IM Aurelien Dunis, Jean-Marie Durandeau, Philipe Durufle, Jacques Depiesse, Franck Gautier at Gilles Godel ng France,GM Vadim Malakhatko ng Ukraine, GM Andrei Shchekachev ng Russia, GM Mladen Palac ng Croatia, GM Sinisa Drazic at Miroljub Lazic ng Yugoslavia, IM Namig Gouliev ng Azerbaijan at IM Sebastian Siebrecht ng Germany at kababayang si IM Joseph Sanchez ng Pilipinas.
Si Rañola ay una munang nanalo kay Romuald Delabaca (ELO 2176) ng France sa opening round at nakatakdang kalabanin sa round 3 si Lazic.
Habang ang tubong Cebu City na si Sanchez (ELO 2453) ay diniskaril sina FIDE Master Darja Kaps (ELO 2186) ng Yugoslavia at Cyrille Gozzoli (ELO 2087) ng France ayon sa pagkakasunod para makaharap sa third round si GM Shchekachev na may ELO rating na 2555 at rank No.54 sa Russia.
Sa isang banda, matapos manalo sa opening round si IM Ronald Bancod (ELO 2354) kontra kay Antti Heikkila (ELO 2142) ng Finland ay yumuko siya sa second round kontra kay GM Sokolov, rank No.7 ng France na may ELO rating na 2583.
Dahil sa natamong pagkatalo, napako si Bancod sa 1.0 puntos at nanaising makabalik sa kontensiyon sa pakikipagtipan sa round 3 kontra kay Eric Mihail Sighirdjian (ELO 2184) ng France.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended