^

PSN Palaro

Isang Linggong piyesta sa Cebu handog ng PBA

-
Isang linggong magpipiyesta ang mga Cebuanos sa pagdaraos ng All-Star week sa Agosto 9-15 kung saan maraming aktibidad ang itinakda ng Philippine Basketball Association.

Magkakaroon ng motor-cade, campus tour, Kids day, basketball clinics, anti-drug campaign, Bar tour, coastal clean-up at ang pinaka-highlight ng lahat ay ang All-Star game sa Agosto 15.

Bilang pasasalamat sa mga basketball officionados na walang sawa sa pagsu-porta ng liga, isang fans day ang itinakda ng PBA sa Agosto 14 sa SM Ayala kung saan maaaring makasala-muha ng mga fans ang kani-lang mga iniidolong players.

Para maabot ang kaba-taan, ang Kids day ay itinak-da sa Agosto 10 kung saan ilang public schools, ospital at street childrens ang bibisitahin ng mga sikat na basketbolista sa umaga at sa hapon naman ang Campus Tour kung saan limang unibersidad ng Cebu ang nakalista sa gawain ng liga.

Araw naman ng basketball clinic ang Agosto 11 kung saan idaraos ang Junior PBA Basketball Clinic sa umaga na pansamantalang naka-schedule sa Sacred Heart School at Wheelchair Bas-ketball Clinic sa Mandaue Coliseum sa hapon.

Maaari namang matiyempuhan ang mga sikat na players sa gabi sa PBA Bar Rage kung saan magba-bar hopping ang mga players sa limang Restobars.

Sa Agosto 12, ang kali-kasan naman ang pagliling-kuran ng liga sa nakatakdang Coastal Clean-up ‘Life Sa Beach’ na gaganapin sa Plantation bay at para sa anti-drug campaign, idaraos ang ‘Gimik Ng Bayan’ na gagana-pin sa Sunflower City sa Agosto 13.

Ang highlight ng isang linggong All-Star week ay ang All-Star game sa pagitan ng North at South team na gaganapin sa Agosto 15 sa Cebu City Coliseum gayun-din ang finals ng skills com-petition; ang slum dunk, obstacle at three-point shoot-out at ang bagong event na trick shot. Ang eliminations ay sa Agosto 14.

Darating ang buong dele-gasyon ng PBA sa Agosto 9 kung saan mula sa airport ay magmo-motorcade ang mga players patungo sa city hall para bisitahin si Cebu City Mayor Tommy Osmeña.

AGOSTO

BAR RAGE

BASKETBALL CLINIC

CAMPUS TOUR

CEBU CITY COLISEUM

CEBU CITY MAYOR TOMMY OSME

COASTAL CLEAN

GIMIK NG BAYAN

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with