^

PSN Palaro

FEU shuttlers kampeon

-
Kinumpleto ng Far Eastern University ang pananalasa sa JVC Open Badminton Championships nang pabagsakin nila ang University of Santo Tomas at University of the East upang walisin ang ladies at men’s team competition sa pagsasara ng event sa pagitan ng mga pangunahing collegiate teams sa bansa sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Kinailangan ni Julie Ann Hilador ng extra set upang payukurin si Rose Ann Dela Cruz, 11-9, 6-11, 11-6, habang ang doubles tandem nina Criselda Sarabia at Mary Sebastian ay namayani naman kina Sandy Banquilles at Czarina Barbo, 15-0, 15-12, nang kunin ng FEU ang titulo kontra sa UST, 2-0.

Nasustina ng FEU men’s squad ang momentum at iginupo naman ang karibal na UE sa pamamagitan ng gayundin ding iskor nang gapiin ni Wilmer Frias si Dodie Sertan at nanaig naman ang doubles pair nina Mark Anthony Natividad kontra kina RJ Cruz at Edison Cupcopin ng UE, 15-9, 15-11.

Ngunit ipinakita ni Kennie Asuncion, kampeon sa women’s singles, ang kanyang husay nang mapagwagian nito ang lahat ng kanyang event kabilang ang pakikipagtamblan sa kanyang kapatid na si Kennevic para sa 15-2, 15-3 panalo laban kina Jaime Llanes at Alma Ledesma sa mixed doubles, at makipagtambalan kay Irene Chiu, para naman sa ladies doubles title sa pamamagitan ng 15-2, 15-3 panalo kina Ledesma at Janina Paredes.

Bumawi naman si Ian Piencenaves sa kanyang malungkot na kabiguan nang makipagtambalan ito kay Arolas Amahit Jr. para igupo sina Kennie Asuncion at Melvin Llanes, 15-8, 6-15, 15-2, at makopo ang men’s doubles.

ALMA LEDESMA

AROLAS AMAHIT JR.

CRISELDA SARABIA

CZARINA BARBO

DODIE SERTAN

EDISON CUPCOPIN

FAR EASTERN UNIVERSITY

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

IAN PIENCENAVES

KENNIE ASUNCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with